What I prepared for our lunch kanina. :) Kasi dapat lutong ulam na bibilhin ko, kaso ang binibilhan naman namin eh, sarado nung tinignan ko. So ayun, nag-isip nalang ako ng pwedeng ulamin.

  • Itlog na may patatas.
  • Itlog na pula na may kamatis.
  • Itlog na hinalo sa San Marino Tuna.
  • at Kamatis sa toyo.

Sarap sobra. Haha. Lalo na nung Itlog with San Marino. Yun agad naubos namin ng kapatid ko. Then yung kamatis with toyo kasi, favorite ko na talaga yun. Tuwing trip ko kumain dati lagi yan ulam ko. Yung itlog na patatas naman, Omelet style sana gusto ko kaso mas maraming patatas eh. Hahahaha. Tapos yung Itlog na pula with kamatis, tinira agad ng kuya ko. Pero may natira parin mamaya for dinner. :) Wala talaga kasi ako kaalam-alam sa mga totoong ulam na niluluto. Kaya ayan, yung mga trip ko na experiment hinain ko. Atlis 100pesos lang siya lahat-lahat at abot pa ng dinner. :) Hahaha.